Home NATIONWIDE Bagong UP Varsity Training Center, natapos na ng DPWH

Bagong UP Varsity Training Center, natapos na ng DPWH

132
0

MANILA, Philippines – Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at naiturn-over na sa University of the Philippines ang bagong Varsity Training Center sa loob ng UP-Diliman Campus sa Quezon City.

Sinabi ni DPWH National Capital Region Director Loreta M. Malaluan na ang bagong UP Varsity Training Center ay itinayo na may kabuuang floor area na 1879.42 square meters.

“This is a state-of-the-art, research-intensive facility offering a wide range of resources to help UP student athletes reach their full potential,” sabi ni Director Malaluan.

Ang bagong UP Varsity Training Center ay may basketball court, at gym na may mga kagamitan, pati na rin ang mga nakalaang espasyo para sa mga pagsasanay at pagpupulong ng koponan.

Ipinatupad ng DPWH Quezon City 2nd District Engineering Office (DEO), ang pasilidad na itinayo sa tatlong (3) yugto mula noong 2019. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article2 suspek at misis, pinagbabaril patay
Next articleMakati, namigay ng P19M ayuda sa 39 sister LGU na apektado ng bagyo, lindol