Home NATIONWIDE Bagong wave ng text scams ibinabala!

Bagong wave ng text scams ibinabala!

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko sa bagong wave ng mga text scam.

Sinabi ng CICC na maaaring isang sindikato ang nasa likod ng mga scam, na kinabibilangan ng mga “babala” na ginagamit ang iyong card, o mga pekeng mensahe mula sa MMDA.

Sa isang scam, ang text message ay naglalaman ng isang link at kapag na-click ito, maaaring makuha ng sindikato ang pangalan ng biktima, bank o credit card number account number, at iba pang mga personal na detalye.

“A-advise-an ka dahil hindi mo ginawa ang mga pagbiling ito, padadalhan kita ng code at ipadala mo ang code na ito sa cellphone number na ito. Huwag mong mahuhuli ‘yung cellphone na ‘yung unregistered and yet it is receiving data. If you have the number of your account manager, tawagan niyo agad before talking to strangers,” ani CICC executive director Alexander Ramos said.

Ang isa pang lumalabas na text scam ay ang pagtanggap ng mga text message mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga paglabag sa trapiko sa ilalim ng No Contact Apprehension Program (NCAP).

Nilinaw ng MMDA na suspendido ang NCAP mula noong 2022 at hindi sa kanila ang mga mensahe.

Humingi ng tulong ang MMDA sa Philippine National Police at CICC para mahuli ang grupo sa likod ng mga text scam.

“Meron kaming mga tinitingnan na number hindi namin pwede idisclose. Hindi tayo papayag ang bagong modus na ito ay biktimahin ang mga kababayan natin,” ani Police Colonel Michelle Sabino, chief of the Eastern Police Anti-Cybercrime Team.

Pinayuhan ng CICC ang publiko na huwag mag-post ng mga larawan ng kanilang mga ID, bank account, credit card, at billing statement sa social media o internet.

Idinagdag nito na dapat kumonsulta ang publiko sa kanilang bank manager sakaling magkaroon sila ng anumang problema sa kanilang mga bank account, at huwag magbahagi ng mga detalye ng kanilang digital wallet na mga bank account sa mga hindi kilalang tao. RNT