Home METRO Baguio maghihigpit sa water delivery services

Baguio maghihigpit sa water delivery services

MANILA, Philippines- Pinaiiral ng Baguio City government ang mas mahigpit na panukala upang matiyak na nag water delivery services sa summer capital ay “highly compliant” sa health standards kasunod ng  diarrhea outbreak na natapos noong nakaraang linggo.

Sinabi ng Baguio City Public Information Office na “out of the woods” na ang lungsod at tututukan ang implementasyon ng mas mahigpit na alituntunin sa water delivery sector.

Daan-daang diarrhea ang naitala ng health department sa Baguio City sa kasagsagan ng outbreak, na nagsimula noong Disyembre.

Inihayag ng local government na ang tubig mula sa mga balon at ilang water delivery companies ang pinagmulan ng kontaminasyon.

Ipinag-utos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang paglikha ng “Safe Drinking Water Task Force” upang tugunan ang problema.

Sinisilip umano ni Magalong ang “liability and culpability” ng mga pinagmulan ng tubig at maaaring maparusahan.

Inilalatag din ng Baguio City ang listahan ng accredited water delivery companies upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente laban sa hindi rehistradong water services. RNT/SA

Previous articleRice stock ng Pinas bumaba ng 25% noong Disyembre
Next articlePH nakararanas ng 4-5 lindol kada linggo – Phivolcs