Home NATIONWIDE Baguio mayor sa mga residente, turista: Magsuot ng face masks sa pagtaas...

Baguio mayor sa mga residente, turista: Magsuot ng face masks sa pagtaas ng COVID cases

MANILA, Philippines – Hinimok ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong nitong Miyerkules, Disyembre 27, ang lahat ng mga residente at turista na magsuot ng face masks lalo na sa matataong lugar dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Magalong na tumataas ang kaso ng COVID-19 at flu-like illnesses sa Baguio.

“We’re already encouraging ‘yung use of face mask especially sa crowded areas tapos sa loob ng mga public transport dahil talaga ngang anticipated namin na tataas dahil lumalamig,” anang alkalde sa public briefing.

Inabisuhan din ni Magalong ang publiko na magdala ng jacket kung bibisita ng Baguio dahil naglalaro sa 15 degrees Celsius hanggang 23 degrees Celsius ang temperatura sa lungsod ngayong buwan.

Nauna nang hinimok ni Health Secretary Ted Herbosa ang publiko na magsuot ng face masks dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Sa kabila nito, hindi pa naman inirerekomenda ng Department of Health ang pagbabalik ng mandatory wearing ng face masks dahil sa sitwasyon umano ay “expected.” RNT/JGC

Previous article3 ‘persons of interest’ sa kaso ng pugot na sekyu sa QC, tinututukan ng PNP
Next articleMga pantalan sa bansa muling ininspeksyon sa papalapit na Bagong Taon