Home OPINION BAGYONG DROGA TULOY-TULOY

BAGYONG DROGA TULOY-TULOY

244
0

Paano nga kaya patitigilin ang paglaganap ng droga sa Pinas?

Kahapon lang, sumambulat ang balitang isang bumbero, si Jonie Romo, ang inaresto sa pagbebenta ng 3.45 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P23.46 milyon.

Nakasabay nito ang pagkakaaresto sa Caloocan kina Edgardo Agustin Vargas, 42, at motorcycle rider Lenard Cruz Buenaventura sa pagbebenta ng shabu na may halagang P25.8M.

Maalaalang isang bumbero rin bagama’t volunteer, si Rommel Dela Cruz alyas Mokong, ang nahulihan din ng nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,450,000 sa Sta. Rosa City, Laguna nito lang April 2023.

Nito namang nakaraang linggo, isang Ecuadorian, si Domingo Franco Quintanilla, 45, ang nasamsaman ng cocaine na nagkakahalaga ng P16.35 milyon sa Ninoy Aquino International Airport.

Matapos nito, Mayo 27, 2023, P18 milyon halaga rin ng cocaine ang nasamsam mula sa Suriname national sa Diosdado Macapagal International Airport sa Clark, Pampanga.

Nitong Enero 2023, si Staff Sergeant Ed Dyson Banaag, miyembro ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group ang nahulihan ng P170,000 shabu sa Sta. Cruz, Manila ng pulisya.

Kasama sa mga nahuli ang dalawang pulis ng Criminal Investigation and Detection Group na nagtangkang saluhin si Banaag sa pagkakaaresto nito.

Napag-alamang nag-iimbak sa Bulacan at Region 4-A ang mga ito ng kanilang nakukumpiskang droga saka nire-recycle o ibinebenta muli.

Siyempre pa, pinasasalamatan natin ang PNP, Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs sa kanilang pagsisipag na masugpo ang droga.

Sana’y hindi nila pinakialaman ang nakumpiskang droga saka ipunin para maging 990 kilo, gaya ng sa Tondo, Manila noong Oktubre 2022 na sakit ngayon sa ulo ni Senador Ronald “General Bato” Dela Rosa sa Senado.

Sabi ng gobyerno, nagtatagumpay ang kampanya nito laban sa mga bigtime na sangkot sa droga.

Pero nasaan ang kontak sa Pinas ng mga dayuhan ukol sa cocaine at nasaan ang mga suplayer ng mga nakukumpiskang shabu?

‘Wag magpakasaya, hindi pa tapos ang mga kasong ito, lalo na sa bahagi ng mga pulis, CIDG at bumbero!

Previous articleBUSAN WORLD EXPO 2030
Next article5,509 baboy tigok sa kolera sa NegOcc

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here