MANILA, Philippines – Humina ang dating Super Typhoon Goring at ngayon ay balik na sa typhoon category.
Sa huling ulat ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyong Goring sa layong 210 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.
May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometro kada oras at pagbugso na 215 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong east souteastward sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Batanes,
Babuyan Islands,
northern at eastern portions ng mainland Cagayan (Camalaniugan, Pamplona, Gonzaga, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Santa Ana, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Peñablanca, Iguig, Amulung, Gattaran, Alcala),
eastern portion ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan),
northern at central portions ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag, Baler, Dipaculao, Maria Aurora, San Luis),
Polillo Islands,
northern at eastern portions ng Camarines Norte (Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes)
Calaguas Islands,
northeastern portion ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan),
at northern portion ng Catanduanes (Panganiban, Caramoran, Viga, Bagamanoc, Pandan)
Ngayong araw ay makatatanggap ng 50 hanggang 100mm ng pag-ulan ang northeastern portion ng mainland Cagayan.
Bukas, Agosto 29, ay tatanggap naman n 50-100mm na pag-ulan ang Batanes, Babuyan Islands, at northern portions ng mainland Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.
Pagsapit ng Miyerkules, mahigit sa 200mm ang inaasahang pag-ulan sa Batanes, 100-200mm sa Babuyan Islands at 50-100mm sa hilagang bahagi ng mainland Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.
Magdadala naman ng pabugso-bugsong pag-ulan ang southwest monsoon o habagat na pinalakas ng bagyong Goring sa western portions ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.
Ngayong araw, magkakaroon din ng pabugso-bugsong hangin ang Aurora, Bataan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Dinagat Islands, Camiguin, at malaking bahagi ng Zamboanga Peninsula.
Ngayong araw ay inaasahang mag-iiba ng direksyon ang bagyong Goring at kikilos pa-hilaga. RNT/JGC