Home NATIONWIDE Bagyong Mawar, mas lumapit sa Pilipinas; naging Super Typhoon ulit!

Bagyong Mawar, mas lumapit sa Pilipinas; naging Super Typhoon ulit!

307
0

MANILA, Philippines – Muling lumakas at ngayon ay nasa super typhoon category ulit ang Bagyong Mawar habang mas lumapit ito sa Pilipinas.

Ayon sa PAGASA nitong Huwebes, Mayo 25, huling namataan ang bagyo 2,130 kilometro silangan ng southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 185 kilometro kada oras at pagbugso na aabot sa 230 kph.

Sa bilis na 15 kph, posibleng pumasok sa
Philippine area of responsibility ang bagyong Mawar Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga at tatawaging Betty.

Inaasahang mas lalakas pa ang bagyo sa susunod na tatlong araw at posibleng umabot sa peak intensity nito na 215 kph pagsapit ng Linggo.

Palalakasin nito ang habagat na magpapaulan sa kanlurang bahagi ng southern Luzon, Visayas at Mindanao sa Linggo o Lunes. RNT/JGC

Previous articleEx-PRRD bilang drug czar, ninja cops tiyak masisindak – Dela Rosa
Next articleWalang nakapasa sa special licensure exam for social workers sa Middle East – PRC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here