Home OPINION BAHA AT BYAHE

BAHA AT BYAHE

SAMAREÑA ang nanay ko.   Sa Catubig siya ipinanganak at lumaki.   Hind man ako nakarating doon, naka-ilang balik din ako sa Northern Samar lalo na sa Catarman dahil sa mga medical mission namin noon sa Isumbong Mo Kay Tulfo at ng Sagip-Bahay Foundation ng St. Luke’s Medical Center.

Mala-“Ondoy” kung ilarawan ang mga ganap, pero sinabi na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service administration na mas lalong masama ang nangyari sa Samar, dahil mas maraming ulan ang ibinuhos ng “shear line” kesa sa binagsak ni Ondoy sa CALABARZON at Maynila noong 2009.

Noon daw kasi, 455 mm ang rainfall o dami ng ulan na bamagsak.   Pero sa Northern Samar na-record nag-619 mm na rainfall.   Paliwanag ng PAGASA, matagal nang merong epekto ang “shear line” sa Pilipinas, pero abnormal ang dala nitong ulan noong Nov. 18-20, 2023.   Patuloy pa rin ang mabigat at maraming ulan sa Eastern Visayas hanggang Bicol at Palawan, habang sinusulat ko ang kolum na ito.

Meron bang dapat sisihin sa sakunang nangyari?

Bukod siguro sa record-setting na dami ng ulan na bumagsak, hindi na kinaya ng mga bundok at ilog sa Northern Samar na sipsipin ang tubig, dahil na rin sa nakalbong mga gubat.   Dati kasing trosohan at meron din mga mina sa Samar provinces.   Mukhang kinapos din ng early warning systems ang LGUs, dahil nagulat na lang sila nang magising sa harap ng malawakang baha.

Paano naman ang Department of Environment and Natural Resources? Meron din ba silang pagkukulang?   Malamang meron! Kaya medyo nainis din ako dahil ang putok na balita ngayon ay ang lampas na P1.1 bilyon nagastos ng DENR sa kanilang mga byahe palabas ng bansa.

Meron na namang international na meeting ang United Nations tungkol sa climate change sa Nov. 3 – Dec. 12, 2023, na gaganapin sa Dubai.

Sana may katuturan ang byahe roon ng mga opisyal natin sa bahang nangyari sa Samar.

Previous articleLotto Draw Result as of | November 23, 2023
Next articleEPEKTO NG SHEAR LINE AT LPA MATINDI