Home NATIONWIDE Bahagi ng EDSA-Roxas Boulevard flyover sarado ‘gang Dis. 30

Bahagi ng EDSA-Roxas Boulevard flyover sarado ‘gang Dis. 30

MANILA, Philippines – Sarado dahil sa pagkukumpuni ang northbound lane ng EDSA-Roxas Boulevard flyover hanggang Disyembre 30, sinabi ng Department of Public Works and Highways nitong Miyerkules, Disyembre 27.

Ang pagsasara sa flyover ay para magbigay-daan sa paglalagay ng dalawang expansion joints, ani DPWH-Metro Manila Director Loreta Malaluan sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

“Ito po ay kasama sa aming retrofitting…na para po sa inaasahan din po natin na Big One [earthquake]. Napakahalaga po nito, kailangan mapatibay natin ang mga tulay natin para na rin po sa safety ng ating commuting public,” aniya.

Inaabisuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta upang maiwasan na maabala sa biyahe.

Ilan sa mga kalsadang posibleng kumpunihin din sa 2024 ay ang EDSA, Commonwealth, at Congressional Avenue, ani Malaluan. RNT/JGC

Previous articleFireworks-related injuries, 75 na!
Next article4 grupo lumahok sa bidding ng DOTR sa NAIA ops