MANILA, Philippines – Pinasasara na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang ampunan sa Quezon City dahil inilalagay umano ng pasilidad sa panganib ang mga batang naroon.
Sa press briefing nitong Martes, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na personal niyang binisita ang Gentle Hands Inc. (GHI) noong Sabado, kasama ang mga rehistradong social worker, at nalaman na ang pasilidad ay masikip, madumi, walang bentilasyon, at walang maayos na fire exit.
Aniya, 80 bata lamang ang kayang tanggapin ng privately-owned orphanage ngunit 149 na bata ang tumitira sa kanila sa kasalukuyan.
Advertisement