Home METRO Bahay sa Tondo nilooban, pamilya iginapos

Bahay sa Tondo nilooban, pamilya iginapos

indibidwal makaraang pasukin at igapos ang isang miyembro ng pamilya matapos looban ang kanilang bahay sa Yuseco St., Tondo, Maynila.

Bukod dito, hinipuan pa ng mga suspek ang maselang bahagi ng katawan ng ilan sa mga biktima.

Sa ulat na ibinahagi ni MPD Public Information Office PMajor Philipp Ines, nahaharap sa kasong Robbery with Violence Againts o Intimidation of Persons and Acts of Lasciviousness ang mga suspek.

Sa imbestigasyon, alas-9:00 ng gabi noong Biyernes nang mangyari ang insidente sa isang bahay sa nasabing lugar.

Una, inutusan ni Donna Malate si Murazol Balbido na buksan ang gate dahil may kumakatok.

Nang buksan, tatlong hindi nakilalang armadong suspek ang sapilitang pumasok na sinundan ng dalawa pang kalalakihan.

Agad na tinutukan ang mga kasambahay ng baril saka iginapos ng scotch tape sa kusina saka pinaghihipuan sa pribadong parte ng kanilang katawan.

Kasunod nito, umakyat sa ikalawang palapag ng bahay ang mga suspek kung saan naroon naman ang may-ari at kanyang pamilya na tinutukan din ng baril at iginapos ng scotch tape.

Sapilitan ding pinabuksan ang vault at nilimas ang mahahalagang gamit.

Matapos ang panloloob, agad na nilisan ng mga suspek ang bahay at isang hindi kilalang babaeng suspek ang sumakay sa motorcycle/scooter sa Yuseco Street at kumaliwa sa southbound ng Abad Santos Avenue.

Sa isinagawang back tracking ng CCTV footage, natuklasan ng Theft and Robbery, CIS, DPIOU at Police Station 7 ng MPD na inabandona ang getaway motorcycle vehicle na Yamaha Mio ng tatlong suspek sa kahabaan ng Peñalosa Street, corner Juan Luna Street, Tondo, Manila.

Sa matiyagang pagbabantay at follow up operation ng mga awtoridad, naaresto ang isang babaeng suspek na siya namang nag-nguso sa iba pa niyang kasamahang suspek.

Sa huli, umabot sa pitong suspek ang naaresto habang pinaghahanap pa ang iba pa na posibleng sangkot din sa panloloob. Jocelyn Tabangcura-Domenden