Home METRO Bahay sinunog ng senglot sa ulam na lasang sabon

Bahay sinunog ng senglot sa ulam na lasang sabon

BALAMBAN, Cebu- Dahil lamang sa ulam na lasang sabon, nawalan ng tahanan ang isang pamilya makaraan sunugin ng lasenggong anak ang kanilang bahay, Linggo sa bayang ito.

Kinilala ni FO1 Dwayne Matabalan, imbestigador ng Bureau of Fire Protection (BFP) Balamban ang nadakip na suspek na si Gerald Balsa, 39, anyos, binata, at residente ng Sityo Sam-ang, Barangay Pondol, ng naturang bayan.

Batay sa report ng BFP-Balamban, bandang alas-10:42 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahay ng mag-asawang Edwin Rivera, 60 at kinakasama nitong si Gene­zinda Balsa, ina ng suspek.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, umuwing lasing sa bahay ang suspek at ginutom ito kaya pumunta ito ng kusina at nakitang sinabawan na baboy ang kanilang ulam.

Kumain ang suspek at habang hinihigop ang sabaw nalasan nito ang sabon at pati ang plato na ginamit ay hindi rin nahugasan.

Kwento ng nakababatang kapatid ng suspek , nakita niyang kumuha ng lighter ang huli at pumasok sa kanilang kuwarto saka sinindihan ang foam at mabilis na kumalat ang apoy.

Nakita naman ng mga kapitbahay ang pagliyab ng bahay ng suspek at humingi sila ng tulong sa mga awtoridad.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng pamatay-sunog naapula ang sunog bandang alas-11:22 ng umaga subalit abot na bahay at tinatayang aabot sa ₱100,000 ang halaga ng mga ari-arian tinupok ng apoy.

Sa himpilan ng pulisya, depensa ng suspek nagsuka siya pagtapos niyang kumain dahil nalasahan niya ang sabog sa sabaw at pati na rin ang plato ng kanyang ginamit ay hindi nahugasan.

Desidedo naman si rivera na kasuhan ang suspek dahil palagi itong nagwawala sa tuwing nalalasing. Mary Anne Sapico

Previous article1,461 indibidwal nailigtas sa panagnib ng lansangan sa Oplan Pag-Abot ng DSWD
Next articleMas maraming Kadiwa centers target ng DA sa highly populated, depressed areas