Home NATIONWIDE Bakbakan sa Israel border tumindi!

Bakbakan sa Israel border tumindi!

GENEVA- Halos 20,000 indibidwal ang lumikas mula sa south Lebanon at iba pang bhagai ng teritoryo nitong Oktubre, ayon sa UN agency nitong Lunes, sa pag-igting ng karahasan sa Lebanese-Israeli border kasunod ng pagsiklab ng Gaza war.

Inihayag ng International Organization for Migration na 19,646 indibidwal ang na-displace sa Lebanon mula noong Oct. 8.

Anito, karamihan sa mga lumilikas ay mula sa timog bagama’t nakapagtala rin ng mga tumatakas mula sa ibang bahagi ng bansa.

Inililikas din ng Israeli authorities ang mga komunidad mula sa norte ng Israel.

Muling nasasangkot sa engkwentro ang Hezbollah group ng Lebanon at Israel sa border, mula nang magbakbakan ang dalawang panig noong 2006.

Sinabi ng Hezbollah na 27 miyembro nito ang nasawi sa sagupaan mula Oct. 7, habang iniulat ng Lebanese security sources na 11 miyembro ng Palestinian groups sa Lebanon, na may koneksyon sa Hezbollah, ang nasawi rin.

Inihayag naman ng militar ng Israel na pitong sundalo nito ang napaslang sa frontier area. RNT/SA

Previous article25 pang Pinoy mula Israel nakauwi na sa Pinas
Next articleBilang ng patay sa Israel attack sa Gaza dumami pa!