Home HEALTH Balance diet mas piliin vs vitamin C drip na nakasisira ng bato...

Balance diet mas piliin vs vitamin C drip na nakasisira ng bato – DOH

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na ang balanseng dyeta ay nakukuha sa ibat-ibang prutas at gulay at hind isa vitamin C drips na nakakaapekto sa “bato”.

Ginawa ng DOH ang pahayag matapos na maging usapin ang drip session ng TV host na si Mariel Rodriquez-Padilla sa opisina ng kanyang asawa na si Sen.Robin Padilla.

Nauna nang iginiit ni Rodriquez-Padilla na vitamic C at hindi glutathione ang itinurok sa kanya.

Tulad ng pagagmit ng gltatthione para sa skin whitening, sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Doingo na hindi ito para sa intravenous Vitamin C.

Binigyan diin ni Domingo na ang vitamins ay nakukuha sa pagkain kaya aniya sinasabing “eat balanced diet”.

Ang pagkain aniya ng mas maraming gulay at prutas dahil nandoon ang bitamina.

Paliwanag pa ni Domingo, hindi dapat intravenous ang vitamin C dahil kapag hindi ito nakayanan ng ating bato o kidney ay nagkakaroon ng kidney failure o problema.

Ito ay binanggit na rin ng FDA sa kanilang 2019 advisory warning laban sa paggamit ng glutathione bilang whitening product, dahil ang vitamin C ay karanwiang iniaalok kasama ang glutathione. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePagsabay ng Cha-cha plebiscite at 2025 elections kakayanin ng Comelec
Next articleTeam ng Pinas, pinuri para sa “collaborative approach