JERUSALEM – Pinayuhan ng health ministry ng Israel noong Martes ang mga taong may kompromiso na immune system na magsuot ng mask sa mga masisikip na indoor space matapos na maobeserbahan ang pagtaas ng bilang ng mga naoospital dahil sa COVID-19 bago ang holiday ng mga Hudyo.
Sa isang pahayag, sinabi ng ministeryo na mayroong “moderate increase” sa mga ospital dahil sa ilang mga variant ng COVID na matatagpuan sa Israel at sa buong mundo.
“Ahead of the holidays and as a result of increased morbidity, the health ministry recommends people in at-risk groups or those who want to limit the risk of infection wear a mask in crowded indoor spaces.”
Ang malalaking pagtitipon ng pamilya ay karaniwan sa panahon ng kapaskuhan ng mga Hudyo, na magsisimula sa Setyembre 15 at umaabot nang mahigit isang buwan.
Sinabi naman ng ministeryo na malapit nang maghanda na mag-isyu ng mga bakuna na nagta-target ng mga bagong subvariant.
Ang mga impeksyon sa COVID at pagpapaospital ay tumataas sa U.S., Europe at Asia ngunit mas mababa sa mga nakaraang peak.
Ang Israel ay kabilang sa anim na bansa kung saan natukoy ang isang highly mutated na variant ng COVID na tinatawag na BA.2.86, ngunit sinabi ng mga siyentipiko na malamang na hindi mauwi sa labis na bilang ng maiimpeksyon at masasawi. RNT