Home HOME BANNER STORY Balik June-March na pasukan pinag-aaralan ng DepEd

Balik June-March na pasukan pinag-aaralan ng DepEd

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na bumalik sa June-March school calendar, tatlong taon pagkatapos lumipat sa August-June schedule.

Bukod sa tapos na ang pandemya, ang posibleng pagbabalik na ito ay upang maibsan ang epekto ng summer season sa mga estudyante at guro, ayon sa DepEd.

“Nag-a-agree sila doon sa provision ng draft, some minor adjustments but may consensus na that we are going to not next school year na June. We are looking at school year 2025-2026 na makapag-June na talaga tayo, but for this next school year we are still looking at July opening,” ani Assistant Secretary Francis Bringas, DepEd Deputy spokesperson patungkol sa konsultasyon na ginanap ng DepEd sa mga paaralan, guro, magulang, at lider ng mga mag-aaral noong Enero 15, 2024.

Sa panukalang hakbang na ito, sinabi ng Teacher’s Dignity Coalition (TCD) na kailangang maingat na pag-aralan ang posibleng epekto ng pagbabago ng kalendaryo ng paaralan.

Kung ibabalik ang lumang kalendaryo ng paaralan na magsisimula sa Hunyo, maiiwasan ng mga guro at estudyante ang masamang epekto ng panahon ng tag-init. Gayunpaman, magbubukas ito ng posibilidad na ang mga mag-aaral at guro ay maaaring makaharap sa maraming pagkagambala sa klase dala ng tag-ulan.

Sinabi ng ilang magulang na sumasang-ayon sila na ibalik ang kalendaryo ng paaralan sa Hunyo-Marso para mas madali para sa mga mag-aaral. Santi Celario

Previous articleImport ban sa bird, poultry products mula Japan ipinatupad ng Pinas
Next articlePangalan ng mga nanalo sa lotto handang isumite ng PCSO sa Senado