Home METRO Ban sa bomb jokes, threats sakop lahat ng public transport – DOTR

Ban sa bomb jokes, threats sakop lahat ng public transport – DOTR

204
0

MANILA, Philippines – Sakop ng pagbabawal sa pagbibiro o pagbabanta tungkol sa bomba (bomb jokes) ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon.

Ito ang ipinaalala ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista nitong Lunes, Setyembre 11 sa panayam, sabay-sabing ang bomb threat noong Biyernes sa Metro Rail Transit-3 ay isang “hoax.”

Bagama’t inaaresto ang mga taong nagbibitaw ng bomb jokes at bomb scares sa mga paliparan, sinabi ni Bautista na hindi lamang ito limitado sa air travel.

“Ito pong parusa na ito, hindi lang sa eroplano, sa lahat ng mode of transport. Kaya tinatawagan natin ang mga kababayan na huwag po nilang gawing biro yung mga bomb threat,” anang opisyal.

Matatandaan na inaresto ang isang lalaki sa Shaw Boulevard station sa MRT-3 noong Marso nang magbiro tungkol sa bomba habang iniinspeksyon ng gwardya ang bag nito.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727, may kaukulang parusa ang bomb jokes at bomb threats ng hanggang P40,000 na mula o pagkakulong na hanggang limang taon.

“Kaya tinatawagan natin ang ating mga kababayan na wag po nilang gawing biro yung mga bomb threat. Pag sila ay napatunayang nagkasala ay may bilanggo po yan at meron pa hong fine,” ayon kay Bautista.

Sinabi ni Bautista na bumuo ang Office of Transportation Security ng komite na kasama ang Department of Information and Communications Technology at Philippine National Police para seryosong imbestigahan ang bomb threats, maging ang mga matutukoy na “hoax” lamang. RNT/JGC

Previous articlePag-aalis ng rice price cap dedesisyunan sa loob ng dalawang linggo – DTI
Next articleSUV driver sa Valenzuela road rage kinasuhan na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here