Banggaan ng bangka, cargo vessel sa OccMin, ‘di pakikialaman ng mga banyaga

Banggaan ng bangka, cargo vessel sa OccMin, ‘di pakikialaman ng mga banyaga

July 1, 2020 @ 1:43 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Usapin sa pagpapatupad ng batas sa bansa ang banggaan sa pagitan ng fisihing boat sa Pilipinas at ng Hong Kong-flagged cargo vessel sa Occidental Mindoro, ayon sa Palasyo nitong Miyerkoles.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagamat mula sa ibang bansa ang cargo vessel, ang Pilipinas ang tutukoy sa criminal at civil liability nito.

Nanindigan si Roque na mareresolba ang insidenteng ito sa ilalim ng admiralty laws ng bansa dahil naganap ito sa teritoryo ng bansa.

Pinaghahanap ang 14 na Filipinong sakay ng fishing boat na FV Liberty 5, makaraang bumangga ito sa Hong Kong-registered bulk carrier vessel na MB Vienna Wood, nitong Linggo sa Mindoro Occidental.

Iniimbestigahan na aniya ng Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard ang insidente.

Ipinaliwanag din ni Roque na hanggat isa sa usapin ang pinsala, magpapatuloy ito bilang admiralty case.

Nagpahayag din ng pagiging bukas ang China na magbigay ng tulong sa bansa kaugnay ng banggaan ng fishing boat at cargo vessel nitong Hunyo 28 ngunit sinabi ni Roque na hindi papayagan ng bansa na makialam ang mga banyaga sa usaping ito. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...