Home NATIONWIDE Banggaan ng Chinese, PH boats tinatalupan ng PCG

Banggaan ng Chinese, PH boats tinatalupan ng PCG

MANILA, Philippines- Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nangyaring banggaan ng bulk carrier at fishing boat sa Paluan, Occidental Mindoro.

Ayon kay PCG Admiral Ronnie Gil Latorilla Gavan, nakikipag-ugnayan na sila sa Chinese flag state ng MV Tai Hang 8 na isang bulk carrier vessel.

Sinabi ni Gavan na may umiiral na protocol sa maritime offenders.

Ayon pa sa admiral, nasa Sibutu ngayon ang barko at patungo sa sunod nilang port sa Indonesia.

Katunayan aniya ay sinusubaybayan nila ang barko kaya tiniyak nito sa publiko na seryoso ang PCG na habulin ang offenders sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Kamakailan ay isa ring fishing boat ang binangga ng foreign vessel sa Pangasinan habang nakatali rin ito sa “payao.”

Sinabi ni Gavan na hindi niya maaring sabihin na madalas nang mangyari ang kahalintulad na insidente ngunit aniya, dapat mas maging mapagbantay sa panahong ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleVISCOM, handa sa posibleng terorismo kasunod ng pambomba sa Marawi
Next articleFace mask mandate sa public transport ‘di kailangan sa gitna ng banta ng ‘walking pneumonia’ – DOTr chief