Home NATIONWIDE Banggaan ng dalawang sasakyang pandagat, iniimbestigahan na ng PCG

Banggaan ng dalawang sasakyang pandagat, iniimbestigahan na ng PCG

236
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) kung nasunod ang traffic separation scheme o lumagpas makaraang magbanggaan ang dalawang sasakyang pandagat sa Mandaue City, Cebu.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, tinitignan din ang seaworthiness dahil noong nakaraang linggo aniya ay nagkaproblema ang MV St. Jhudiel sa hydraulics.

Bukod dito, inaalam na rin ng PCG kung konektado ba ito sa steering casualty kahapon.

Ayon pa kay Balilo, dapat ang lebel ng safety ng mga pampasaherong barko ay mataas.

Advertisement

“Sinubukang umiwas ng LCT POSEIDON 23, pero nagkabanggaan pa rin,” ani Balilo.

“Coordinate with MARINA to confirm dahil natanggap natin ang info na sinuspinde na nila ang operasyon ng dalawang barko,” sabi ni Balilo.

Pinaalalahanan ng PCG ang mga opisyales ng barko sa kanilang responsibilidad upang masiguro na seaworthy ang mga sasakyang-dagat.

“Primary responsibility natin ang safety ng ating mga pasahero dahil buhay ng tao ang nakasalalay.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePangusan kampeon sa Japan Golf Tour
Next articleCeltics durog sa Heat

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here