Home METRO Bangka na may P28M ismagel na sigarilyo nasabat sa DavOcc

Bangka na may P28M ismagel na sigarilyo nasabat sa DavOcc

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Navy (PN) nitong Miyerkules, Pebrero 28 na isa sa patrol ships nito ang nakaharang ng isang motorized banca na naglalaman ng kontrabandong sigarilyo sa dagat malapit sa Balut Island, Davao Occidental.

Sa pahayag, sinabi ng PN na naharang ng offshore patrol vessel nila na BRP Artemio Ricarte ang M/B Mhufar-3 at 25 crew members nito, araw ng Martes.

Nadiskubre sa pagsisiyasat ang 1,846 master cases ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P28.6 milyon sa motorbanca.

Nagsasagawa ng territorial defense operations ang isa sa mga barko ng Navy na nakatalaga sa area of responsibility ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) area of responsibility, sa dagat palibot ng Balut Island mula pa noong Pebrero 25.

“Upon conducting an inspection, the PS-37 boarding team discovered that the motorized watercraft originated from Tawi-Tawi and was carrying (a) large quantity of boxes of illegal and undocumented cigarettes bound for Malita, Davao Occidental,” ayon sa PN. RNT/JGC

Previous articleE-bikes, e-trikes bawal na sa national roads sa Metro Manila
Next articleBulacan ecozone bill, inendorso ni Poe sa plenaryo: P130B kikitain, 1M trabaho lilikhain