Home METRO Bangkang napinsala sa pagbangga babayaran ng Chinese firm – PCG

Bangkang napinsala sa pagbangga babayaran ng Chinese firm – PCG

MANILA, Philippines- Pumayag ang Chinese shipping company na babayaran ang may-ari ng fishing banca Ruel J sa pinsala sa bangkang binangga sa Occidental Mindoro nitong buwan, ayon sa Philippine Coast Guard.

Nasagip ng coast guard ang limang mangingisda matapos banggain ng MV Tai Hang 8 ang  Ruel J noong December 5. Tumaob ang fishing boat capsized na iniwan ng China-flagged bulk carrier.

Nagkasundo ang banca owner at Taihang Shipping Company Limited sa insidente at nakikipag-ugnayan na ang coast guard sa maritime services firm Pandiman Philippines, Inc. para suriin ang pinsala sa Ruel J.

“This collaborative effort between maritime authorities, local communities, and involved entities underscores a shared commitment to ensuring the safety of individuals during unforeseen incidents at sea,” anang coast guard nitong weekend.

Nauna nang nakipag-ugnayan ang PCG earlier sa Chinese government  upang matunton ang MV Tai Hang 8, na naglalayag sa Indonesia nang maganap ang insidente. RNT/SA

Previous articleDecember inflation posibleng pumalo sa 4.1% – ekonomista
Next articleSitwasyon sa Gaza ikinalungkot ni Pope Francis