Home NATIONWIDE Bangkay lumutang sa pumping station

Bangkay lumutang sa pumping station

MANILA, Philippines – Lumutang kasama ng mga basura ang isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa pumping station sa Binondo, Maynila nitong Biyernes ng gabi .

Inilarawan ang bangkay na nasa pagitan ng edad na 35-40 taong gulang, nasa 5’5″ ang taas, payat, at may kaputian.

Inooperate umano ni Paul Jason Flores, 31, mechanical plant supervisor ang trash rake ng MMDA Binondo pumping station para masala ang mga basura nang mapansin ang tila katawan ng tao sa isa sa trash rake machine dakong alas 10:30 ng gabi .

Agad niyang itinigil ang operasyon at nagulat nang makumpirma na katawan nga ng tao ang nakahalo sa basura.

Ipinagbigay-alam agad ang insidente sa pulisya na mabilis ding rumesponde sa lugar upang maiahon ang bangkay.

Sa inisyal na pagsusuri, hindi kinakitaan ng anumang pisikal at panlabas na injury. Agad rin namang dumating ang mga tauhan ng SOCO saka inilipat ang bangkay sa Body and Light Funeral Homes.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at nanawagan sa posibleng mga kaanak na magtungo sa naturang punerarya para kilalanin ang bangkay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleNetworking executive inaresto sa estafa
Next articleIsa patay sa nasunog na motor tanker