Home METRO Bangkay na pugot-ulo natagpuan sa tabing-daan sa Carmona

Bangkay na pugot-ulo natagpuan sa tabing-daan sa Carmona

CAVITE – Iniimbestigahan na ng awtoridad ang natagpuang bangkay na pugot ang ulo at hubo’t hubad sa isang masukal na bahagi ng gilid ng diversion road sa Barangay Lantic sa Carmona, nitong Sabado, Pebrero 17.

Base sa paglalarawan ng Carmona police, ang katawan ay may tattoo sa dibdib at may mga gasgas at pasa at nasuri rin nila na malinis ang nasabing pagpugot sa ulo, isang senyales na propesyonal ang may gawa umano rito.

Tinitingnan nila ang mga fingerprint at tattoo ng lalaki upang matukoy ang kanyang pagkakakilanlan.

Isinasaalang-alang ng pulisya na posibleng pinagtapunan lamang ang lugar kung saan nakita ang bangkay at ang pagpatay ay ginawa sa ibang lugar.

Ipinaalam ng mga imbestigador sa Presidential Anti-Organized Crime Commission ang krimen dahil sa posibilidad na dayuhan ang biktima.

Lumabas sa datos ng PNP at PAOCC na mula Enero hanggang Nobyembre noong nakaraang taon, 66 na mga bangkay na mukhang dayuhan ang natagpuan sa Central Luzon at Southern Tagalog kung saan 34 dito ang nakilala habang ang iba ay iniimbestigahan pa. RNT

Previous articleE-bike, e-scooter for rent iaalok sa UPLB campus
Next articleRecount sa 2022 election ballots ipinanawagan ng poll watchdog