Home METRO Bangkay ng amasona nadiskubre sa tubuhan sa Batangas

Bangkay ng amasona nadiskubre sa tubuhan sa Batangas

MANILA, Philippines – Nadiskubre ang bangkay ng hinihinalang amasona ng New People’s Army sa taniman ng tubo sa Barangay Malalay, Balayan, Batangas.

Nakita ng manggagawa ng tubuhan ang nabubulok nang bangkay ng rebelde.

Ayon sa pulisya, ang amasona ay may suot na green T-shirt, itim na pants, itim na upper garment at tsinelas.

Kalapit ng bangkay ang backpack na naglalaman ng mga personal na gamit.

Ang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde ay nangyari sa naturang lugar isang linggo bago mag-Pasko noong nakaraang taon.

Hindi pa matukoy ng pulisya kung ang nadiskubreng bangkay ay isa sa anim na NPA rebels na nasawi sa engkwentro.

Sinuri na ng police forensics probers ang bangkay at inilagay muna sa funeral home sa Balayan para matukoy ng pamilya. RNT/JGC

Previous articleRhen Ecano, suportado ang ayuda sa nabaha sa Davao!
Next articleRehistro sa e-bike, e-trike target ng MMDA