Home METRO Bangkay ng lalaki lumutang sa Abra river

Bangkay ng lalaki lumutang sa Abra river

ILOCOS SUR – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa Abra River sa Brgy. Aluling, Cervantes ng lalawigang ito kahapon, Hunyo 22.

Kinilala ng Cervantes Municipal Police Station ang biktima na si Sherwin Layog y Angayen, 25, walang asawa, residente ng naturang barangay.

Bandang 8:45 ng umaga kahapon nang makatanggap ang Cervantes MPS ng impormasyon tungkol sa nakitang bangkay ng lalaki na palutang-lutang sa nasabing ilog.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad para beripikahin ang naturang report.

Sa pakikipag-usap ng mga otoridad sa nanay ng biktima, sinabi nito na umalis ang kanyang anak sa kanilang bahay noong 4:00 ng madaling-araw ng Hunyo 20 at nagpunta sa ilog para manghuli ng isda.

Gayunman, hindi na nakauwi ng bahay ang biktima.

Ang biktima ay isa umanong mentally challenged. Rolando Gamoso

Previous articleLibreng operasyon sa mga batang may bingot, isinagawa sa Maynila
Next article40 ex-NPA members nakatanggap ng P2.8M ayuda sa Davao de Oro