Home METRO Bangkay ng lalaki lumutang sa killer river sa Isabela

Bangkay ng lalaki lumutang sa killer river sa Isabela

ILAGAN CITY, ISABELA – Isang bangkay ng lalaki na hindi pa nakikilala ang nagpalutang-lutang sa pinaniwalaan umanong ‘Killer River’ sa bahagi ng Cabisera 9-11, Ilagan City, Isabela.

Nagulantang ang mga residente nang may natagpuan silang palutang-lutang na bangkay ng isang lalaki.

Ang natagpuang bangkay ay nakasuot ng black na brief at black na t-shirt.

Hanggang ngayon ay blangko pa rin ang pulisya sa naturang insidente. Rey Velasco

Previous articleHinaing ng mga tsuper, pakinggan – Obispo
Next articleDREAMCATCHER Siyeon magla-live habang nakasakay sa roller coaster kung…