Home METRO Bangkay ng lalaki nasilo sa ilog ng Cagayan

Bangkay ng lalaki nasilo sa ilog ng Cagayan

MANILA, Philippines – Nasilo ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay ng isang lalaki sa Pinacanuan River sa Tuguegarao City Cagayan sa mismong araw ng Pasko.

Sa ulat ng PCG, nagsagawa ang search and rescue team ng surface at underwater search operation kasunod ng ulat na isang indibidwal ang natangay ng ilog sa Overflow Bridge noong Disyembre 23.

Dahil sa lakas ng current at poor visibility, sinuspinde ang operasyon at ipinagpatuloy noong Disyembre 24, bisperas ng Pasko gamit ang Barracuda boat gayunman dahil pa rin sa lakas ng current at limitadong visibility–negatibo ang resulta ng paghahanap sa biktima.

Disyembre 25, natagpuan ang katawan ng biktima na si AntoniƱo Fuentes ng kanyang ama at itinuro sa PCG ang lokasyon.

Na-retrieve ng Coast Guard team ang bangkay ni Fuentes at itinurn-over sa kanyang pamilya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePampaswerte sa Bagong Taon
Next articleUtol ni Michelle, papasukin ang showbiz, naghahanap ng manager!