Home METRO Bangkay ng lalaki natagpuan sa gilid ng kalsada sa Cavite

Bangkay ng lalaki natagpuan sa gilid ng kalsada sa Cavite

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng lalaki na walang pagkakakilanlan ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Davilan Rd, Brgy Lantin, Carmona City, Cavite.

Sa nakalap na report mula sa pulisya, inaalam pa ang pagkakakilanlan sa biktima na may taas na 5’6’ at may tattoo sa kanang dibdib

Napag-alaman naman mula sa isang saksi na si alyas ‘Josie’, naglalakad siya sa kahabaan ng Davilan Road, ng nasabing lugar dakong alas-5:20 ng hapon nang napansin niya ang isang lalaki na nakahiga sa nasabing kalsada.

Agad na ipinaalam sa Police Community Precinct (PCP) at kasalukuyang nagsasagawa ng awtopsiya sa katawan ng biktima upang malaman kung ano naging sanhi ng ikinamatay nito. Margie Bautista

Previous articleAdik timbog sa Las Piñas drug ops
Next articleLalaki patay sa baril ng staff ng industrial park sa Laguna