Home METRO Bangkay ng lalaki umalingasaw sa nakaparadang sasakyan sa Cavite

Bangkay ng lalaki umalingasaw sa nakaparadang sasakyan sa Cavite

Image Representation Only

CAVITE – Nadiskubre ang umaalingasaw nang bangkay ng lalaki sa loob ng isang nakaparadang kotse sa parking area ng isang eskwelahan sa Bacoor City.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si Dennis Lamis, nasa hustong residente ng Harrison Mansion 2360 FB Harrison St, Brgy.32, Pasay City.

Base sa salaysay ng isang saksi, dakong las 9:45 ng Umaga pagkahatid niya sa kanyang anak sa Harrell Horne Integrated School located sa Bahayang Pag-Asa, Brgy. Molino 5, Bacoor City, Cavite nang makaamoy siya ng masangsang mula sa sasakyang nakaparada malapit sa naturang paaralan.

Hindi ito mapakali kaya sumilip ito sa bintana at nakita nito ang isang lalaki na wala ng buhay sa likurang bahagi sa passenger seat.

Agad naman nitong ipinagbigay-alam sa barangay officials ng ng nasabing lugar na siyang nag-report sa pulisya at nag-imbestiga sa kaso.

Wala pang inilalabas na progress report ang pulisya kaugnay sa nasabing insidente at kung ano ang motibo sa pagpatay. Margie Bautista

Previous articlePulis na nagsisilbing escort ng POGO operators, kakasuhan-DILG
Next articleObispo tutol sa pagbabalik ng STL sa NegOr