Home METRO Bangkay ng lalaking lumulutang, natagpuan

Bangkay ng lalaking lumulutang, natagpuan

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang lumulutang sa pampang ng isang tulay sa Navotas City nitong Martes, Hulyo 11.

Bagama’t walang pagkakakilanlan, ang bangkay ng lalaki ay tinatayang nasa edad na mula 45 hanggang 50, may taas na 5’5, nakasuot ng itim na basketball jersey at parachute pants.

Mayroon din itong tattoo sa kaliwang dibdib na “yin-yan”, may tattong puso na may pana sa kanang dibdib, at Polynesian sword tattoo sa kaliwang braso.

Alas-4:55 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima habang lumulutang sa pampang ng Bangkulasi Bridge na matatagpuan sa Leano St sa harap ng City Fisheries and Aquatic Resources and Management Council sa nasabing lungsod.

Wala namang nakitang sugat o anumang palatandaan na sadyang pinaslang ito bago itinapon sa pampang.

Nananawagan naman ang pulisya sa kung sinuman ang nakakakilala o makapagbibigay ng pagkakakilanlan sa nasabing lalaki ay ipagbigay alam lamang sa pulisya ng Navotas. Merly Iral

Previous articleDEDBOL KA SA HEAT WAVE
Next article814 pang Omicron subvariants natukoy sa Pilipinas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here