Home METRO Bangkay ng magtropa itinapon sa gilid ng kalsada

Bangkay ng magtropa itinapon sa gilid ng kalsada

GENERAL SANTOS CITY- TADTAD ng tama ng bala ng baril ang katawan ng matagpuan ang bangkay ng dalawang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution o salvage dahil umano sa illegal na droga, Lunes sa bayang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Alsimal Abissani, 21, ng Purok Mudia Barangay Labangal, Gensan at kaibigan nitong si Wahab Kasim, 23, ng Purok Pandian Olarte, Barangay Labangal, General Santos City.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Police Station 2 General Santos City, bandang 3;00 AM ng matagpuan ang bangkay ng dalawa sa tabi ng kalsada na sakop ng sanitary landfill Barangay Sinawal, GenSan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, sangkot umano ang dalawang biktima sa illegal na droga na posibleng motibo sa krimen.

Samantala, mariin naman itinanggi ng ama ng isa sa mga biktima na si Kasim na sangkot sa illegal ang kanyang anak dahil tahimik lamang ito ganun dun ang matalik nitong kaibigan na si Abissani.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up inivestigation ng pulisya para sa pagkakakilanlan sa mga suspek at agaran ikadarakip sa mga ito./Mary Anne Sapico

Previous articleLeBron ‘di lalaro sa Lakers-Clippers showdown
Next articleNBA veterans ng SGA dinaig ni KQ sa puntusan