Home METRO Bangkay ng nawawalang Japanese national, ina narekober sa Quezon

Bangkay ng nawawalang Japanese national, ina narekober sa Quezon

MANILA, Philippines – Natagpuang nakalibing sa bahay ng kaanak ang bangkay ng nawawalang Japanese national at ina nito sa Tayabas City, Quezon nitong Huwebes, Marso 14.

Sa ulat nitong Biyernes, sinabi ng pulisya na narekober nila ang katawan nina Lorry Litada, 54, at Japanese na anak nitong si Mai Motegi, 26, bandang 4:30 ng hapon sa hukay sa loob ng subdivision sa Barangay Isabang.

Ang bagong tabon na hukay ay isang metro lamang mula sa bahay ng kaanak ni Litada.

Sina Litada at Motegi ay kapwa residente ng Japan.

Hindi na nagbigay pa ng impormasyon kung kailan dumating sa bansa ang mga biktima o kung ano ang dahilan ng kanilang pagbisita.

Noong Marso 9, iniulat ng nakatatandang kapatid ni Litada sa pulisya na nawawala ang dalawa noon pang Pebrero 21.

Nagsagawa ang mga imbestigador ng ocular inspection sa bisinidad ng bahay, kung saan huling nakita ang mag-ina.

Kalaunan ay nagresulta ito sa pagkakadiskubre ng bangkay.

“It’s about money,” ayon sa pulisya sa posibleng motibo ng pagpatay.

Isasailalim sa post-mortem examination at autopsy ang katawan ng dalawang biktima upang malaman ang sanhi ng kanilang kamatayan. RNT/JGC

Previous articleKampo ni Quiboloy sumagot na sa show cause order ng Senado
Next articlePadilla humirit na payagan si Quiboloy na dumalo sa Senate investigation online