Home NATIONWIDE Bangkok, Thailand bagong testing center para sa LEPT

Bangkok, Thailand bagong testing center para sa LEPT

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes na ang Bangkok, Thailand ang bagong talagang testing center para sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT).

Bahagi ang pagdaragdag ng bagong testing center sa paghahanda ng PRC para sa sunod na LEPT sa Setyembre.

Sinabi ng PRC na nilalayon ng pagtatatag ng bagong testing center na tiyakin ang “convenience” ng examinees sa Thailand at maiwasan ang “unnecessary distant travel and additional expenses.”

Umpisa na ang rehistrasyon para sa September LEPT, ayon sa PRC, ngayong Hunyo 23 hanggang sa Agosto 24.

Maaaring isumite ang lahat ng aplikasyon sa pamamagitan ng email sa [email protected] para sa pagproseso at ebalwasyon ng Delegation Team, ayon sa PRC. 

Kung mayroon namang katanungan ukol sa licensure examination, maaaring mag-email sa [email protected] o licensur[email protected]. Makikita rin ang iba pang impormasyon sa www.prc.gov.ph. RNT/SA

Previous articleKARAHASAN SA KABABAIHAN WAKASAN SA BITAYAN
Next articleMary Jane Veloso, kapamilya nagkita sa Indonesia