Home METRO Banta ng oil spill sa sumadsad na RoRo inagapan ng PCG

Banta ng oil spill sa sumadsad na RoRo inagapan ng PCG

582
0

MANILA, Philippines- Inagapan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang posibleng banta ng oil spill mula sa tumagilid na Roro passenger vessel sa katubigan ng Barangay Nasunugan, Banton, Romblon.

Ayon sa PCG, naglatag na ng oil spill boom ang Coast Guard District Southern Tagalog para makontrol ang pagtagas.

Sa ngayon ang MV Maria Helena ay nakasadsad pa rin sa mabatong bahagi ng baybayin, sabi ni Coast Guard District Southern Tagalog Comander, CG Commodore Geronimo Tuvilla.

Ang MV Maria Helena ay may sakay na 93 pasahero at 34 crew members nang mangyari ang insidente nitong Linggo ng madaling araw, July 16.

Ligtas naman ang lahat ng mga sakay ng pampasaherong barko dahil agad na nakatugon at nagsagawa ng rescue operation ang responce team ng PCG.

Sinabi ni Tuvilla na walang nangyaring overloading sa barko dahil mababa lamang ang bilang mga sakay nito kumpara sa loading capacity ng barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article‘Ibong Adarna’ nasilayan sa Mt. Apo
Next articleMMDA: Mga motorista na sumisilong sa ilalim ng overpass, pagmumultahin mula Aug. 1

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here