Home NATIONWIDE Bantag, Chaclag kinasuhan ng grave coercion ng DOJ

Bantag, Chaclag kinasuhan ng grave coercion ng DOJ

311
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Justice (DOJ) nitong Biyernes na sinampahan nila ng kasong grave coercion sina dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at tagapagsalita na si Gabriel Chaclag.

Ang mga nagreklamo ay mga BuCor jail officer na nakatalaga sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Prinsesa City, Palawan.

Sinabi ng DOJ na inaakusahan sina Bantag at Chaclag na pwersahin si jail officer Richie Canja na pumirma sa isang dokumento na nagsasabing walang pamamaril sa IPPF noong Marso 1, 2020.

“Ang mga ebidensya ay nagpapakita na sa naganap na pangyayari noong March 2, 2020, si dating DG Bantag, kasama si Chaclag, ay pwersahang nagpapirma, sa pamamagitan ng mga banta, at panggigipit, kay complainant Canja para sa pagpirma ng isang dokumento na nagpapahayag na walang nangyaring insidente ng pamamaril sa IPPF noong March 1, 2020 na may kinalaman sa mga kawani ng BuCor,” ayon sa pahayag.

Bukod dito, binanggit ng Department of Justice na sa pamamagitan ng kanilang mga aksyon, pinigilan “ng labag sa batas” ang paghahain ni Canja ng kriminal na reklamo laban sa mga sangkot sa insidente.

Noong Enero, nagreklamo rin ang ilang jail officer ng torture at obstruction of justice laban kay Bantag kaugnay ng pamamaril sa IPPF.  RNT

Previous articleDSWD nagbanta sa cash transfer beneficiaries: Sangla-ATM bawal!
Next articleP50B lugi ng gobyerno sa naglipanang pekeng resibo – DOJ

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here