Home METRO Barangay captain todas sa pamamaril!

Barangay captain todas sa pamamaril!

MAGSINGAL, Ilocos Sur- Pinagbabaril ang isang barangay chairman sa harap ng isang sabungan sa lugar na ito nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Police Capt. Rodel Ragasa, chief of police ng bayan, ang biktima na si Lawrence “Larry” Angco, chairman ng Barangay Poblacion, Santo Domingo, ng lalawigang ito.

Sinabi ni Ragasa na minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo palabas ng sabungan nang bandang alas-8 ng gabi ay atakihin siya ng gunman.

Narekober ang anim na empty caliber .45 shells sa crime scene.

Namatay si Angco habang dinadala sa ospital mula sa ilang tama ng bala sa kanyang katawan.

Nakatakas ang suspek na patuloy na tinutugis ng mga pulis. RNT/SA

Previous articleQuiboloy aarestuhin ‘pag inisnab subpoena – solon
Next articlePilot run ng bagong SHS curriculum target ng DepEd sa SY 2025-2026