Home METRO Barangay chairman, kagawad, tanod patay sa pamamaril!

Barangay chairman, kagawad, tanod patay sa pamamaril!

TACLOBAN CITY- Patay sa pamamaril ang isang barangay captain, kagawad, at tanod sa loob ng isang barangay hall sa Barangay Daja Diot, sa bayan ng San Isidro sa Leyte nitong Sabado.

Nasa loob ng barangay hall sina Elizalde Tabon, 55, barangay chairman; kagawad na si Paulo Al Mendero, 52; at tanod member na si Rusty Salazar nang sugurin ng mga armadong kalalakihan at pagbabarilin sila dakong alas-9:30 ng gabi, batay sa mga awtoridad.

Sugatan naman si Alex Bacor, isa pang barangay chairman at bayaw ng biktimang kapitan, na nakatayo sa labas ng barangay hall.

Tumakas ang mga hindi pa natutukoy na salarin sakay ng motorsiklo.

Gayundin, inaalam pa ng kapulisan ang pagkakakilanlan at motibo sa likod ng krimen. RNT/SA

Previous article2 motorsiklo sinuwag ng van; 3 patay, 2 sugatan
Next articleGrupong dadalo sa People Power anniversary ‘hinarang’ ng mga pulis