Home ENTERTAINMENT Barangay Singko Panalo hosts, naghimutok, nanghinayang sa pagkatsugi!

Barangay Singko Panalo hosts, naghimutok, nanghinayang sa pagkatsugi!

Manila, Philippines – Tsk, tsk, tsk… sayang!

Ito lang ang nagkakaisang himutok ng mga bumubuo ng game show na Barangay Singko Panalo sa TV5.

Dahil sa “press release” na eere na ang bagong bihis na show ni Willie Revillame na Wil to Win ay kinailangang magdusa ang programa nina Jerald Napoles, Joross Gamboa at iba pa.

Balita kasing hanggang end of June lang ang mga nakabankong episodes ng BSP.

Ironic nga dahil kung kailan nagpapakita na ng promise ang gumagandang show, just because ipapasok ang show ni Willie ay maba-bump off na ito nang tuluyan.

Bakit kasi hindi na lang ito inilipat sa ibang time slot?

Ang masakit ay nang malaman ng mga taga-BPS na hindi pa raw pala handa ang show ni Willie.

Habang sinusulat ito, tatlong cohosts pa lang ang ipinakililala.

May tatlo pang co-hosts ang ipapasok, which means isa nga namang malaking vacuum ito to get the show started.

Natural, masamang-masama ang loob ng mga cast members ng BSP.

Hindi raw kasi “panalo” ang kapalarang sinapit nila kundi talo!

Dahil hanggang end of June lang ang taped episodes nila, obligadong magkumahog si Willie.

But what if “malabnaw” pa rin ang timpla ng highly anticipated show?

Aren’t the viewers in for a big disappointment, na umaasang “winner” nga ito pero hindi naman pala?

Is this another classic case na nauuna ang yabang kesa sa aktuwal na pagpapakitang-gilas?

Good luck na lang! Ronnie Carrasco III