Home ENTERTAINMENT Barbie at David, aminadong nag-level up ang loveteam!

Barbie at David, aminadong nag-level up ang loveteam!

Manila, Philippines- Marami na ang nag-aabang sa pelikulang That Kind of Love na tinatampukan nina Barbie Forteza at David Licauco.

Teaser pa lang ng pelikulang ito ay marami na ang kinikilig. Pati ang cast at mga taga-media na present sa presscon ay isa ang sinasabi, sadyang karagado sa pampakilig ang pelikula.

Gaganap si Barbie rito bilang si Mila, na isang kilalang dating coach and certified psychologist. Hahanapan niya rito ng magiging special someone ang mayamang businessman na si Adam (David).

Pero ano’ng mangyayari kung ang love coach ang siyang ma-fall sa kanyang kliyente?

Kilala ang loveteam ng dalawa bilang BarDa at aminado ang dalawa na mas komportable na silang katrabaho ang isa’t isa na nag-level-up na ang kanilang loveteam.

Esplika ni Barbie, “Dito, I would say na nag-level up talaga kami ni David in terms of sophistication ng acting, maturity. Iyong styling naman, ginawa nilang very close to K-drama.

“Even sa character, palagi kong sinasabi na ito ang pinaka-sophisticated role na ibinigay sa akin.

“Kahit iyong hitsura ko iniba namin, pinadalaga namin. Also, nag-level up kami kasi ang taas ng production value ng pelikulang ito.”

May pressure ba na sila ang lead stars ng pelikula?

Pahayag ng aktres, “Well, I have to admit, yes of course there is pressure dahil unti-unti pa lang naman pong bumabalik ang mga tao sa sinehan.

“Pero I am quite confident with our project, with our film.

“Kasi, sino ba ang hindi gustong ma-in-love? Sino ba ang hindi gustong kiligin? And this is what we’re offering, hindi ba? A feel good romantic film na lahat tayo, pagkatapos ng pelikulang ito ay mai-in-love kay David Licauco.”

Wika naman ni David, “I think there is pressure, but maganda ang produkto namin ni Ms. Cathy, ng production.

“Kaya feeling ko ay, as long as we do our best promoting, sigurado akong papatok ito sa takilya.”

Ang That Kind of Love ay mula sa pamamahala ni Direk Catherine ‘CC’ O. Camarillo at sa panulat ni Ellis Catrina.

Ito ay naging Spotlight entry at awardee sa ginanap na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan.

Ito’y mula sa Pocket Media Productions Incorporated at tampok din sa pelikula sina Al Tantay, Arlene Muhlach, Jef Gaitan, Divine Aucina, Ivan Carapiet at Kaila Estrada.

Ang premiere night ng That Kind of Love ay sa July 4 sa SM Megamall. Showing ito sa mga sinehan sa July 10. Nonie Nicasio