Manila, Philippines – Magkatabi nga sa eroplano bound for Hongkong, magkatabi pa rin hanggang makauwi ng Pilipinas pero hindi naman sweet.
Dito naunsyami if not gumuho ang pangarap ng mga fans nina Barbie Foreteza at David Licauco na umaaasang tototohanin ng dalawa ang kanilang screen tandem.
Barbie and David recently flew to HK for a photo shoot para sa isang glossy lifestyle magazine.
Walang kinalaman doon ang kanilang seryeng Maging Sino Ka Man.
Kulang nga lang sa detalye ang ipinuntang photo shoot doon ng hottest Kapuso loveteam.
Ni hindi nga alam kung kailan ire-release ang magazine that featured them except na ang emote lang ni Barbie ay “feeling honored” siya.
Hinahanapan din ng mga larawan taken together sina Barbie at David sa HK.
Pero obyus na pagdating doon ay “galit-galit” muna sila dahil balitang may kanya-kanya silang lakad.
Heartbreaking ‘yon sa kanilang mga fans na nag-illusyon pa ring sila ang magkakatuluyan in real life sa ending.
Hindi nga alintana ng mga faney ang katotohanang even before nagsama sa Maria Clara at Ibarra ang dalawa’y karelasyon na ni
Barbie si Jak Roberto.
Minsan nang tinawag ng nakatatandang kapatid ni Barbie ang atensyon ng mga ilusyunadang fans.
Yet obyus na may katigasan ng ulo ang ilan sa kanila na ipinagpipilitan pa rin si David kay Barbie.
Siguro naman, sapat na ang Hongkong trip ng dalawa para matanggap ang katotohanang sweet lang sila pag may nakatutok na camera.
Sorry to disappoint the BarDa fans, but learn how to tell reality from fantasy! Ronnie Carrasco III