Home ENTERTAINMENT Barbie, ibinuking na matinik sa tsiks si David!

Barbie, ibinuking na matinik sa tsiks si David!

Manila, Philippines- Pagkatapos na maging patok ang kanilang mga teleseryeng “Maria Clara at Ibarra” at “Maging Sino Ka Man”, nagbabalik ang kinakikiligang tambalang BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco sa romantic comedy na “That Kind of Love”, ang kanilang first movie team up.

Ani Barbie, malayo-layo na rin daw ang naging journey ng kanilang pagsasama ng Pambansang Ginoo.

“Mas nakakapag-open up na kami sa isa’t-isa,” bungad ni Barbie.

Kung noon daw ay shy si David, nabawasan na raw ito at na-boost na ang confidence.

Gayunpaman, nananatili pa raw namang pribadong tao ito.

Sa pelikula, ginagampanan ni Barbie ang papel ng isang dating coach kay David.

Dahil dito, natanong siya kung tinuruan ba niya ang chinito actor pagdating sa usapin ng puso.

“Alam niyo, sa totoo lang, iyong pinag-usapan namin ni David, mas hopeless romantic siya kesa sa akin,” sey ni Barbie.

Ibinuking din nito kung gaano katinik ang actor sa babae sa kabila ng pagiging tahimik nito.

“May babae siyang sinundan sa Korea, ibang level. Na hindi alam ng girl, sinurprise niya ang girl.

“Nagpunta siya ng Korea, may dala siyang rose. Ganu’n ang level ng love ng taong ‘to.

“So, I don’t think he needs coaching,” pagbubunyag niya.

“But if ever he will ask for my help, hindi ko siya para i-coach. Siguro, I will share my experience and sana, he’ll learn from it, somehow,” dugtong niya.

Speaking of first movie team-up, nag-level up daw ang kanilang tandem sa first movie nila together.

Proud din siya na puwedeng ihilera ito sa mga drama na ginawa sa Seoul, South Korea dahil sa KDrama feels nito.

“I would say na nag-level up na talaga kami ni David in terms of sophistication, iyong acting at iyong maturity, pati iyong styling namin.

“Kita ninyo naman, very close to KDrama. Lagi ko ngang sinasabi, ito iyong pinaka-sophisticated na ginawa namin ( not only in terms of story or characterization) kahit iyong itsura namin. Nag-level up kasi ang taas ng production value ng pelikulang ito,” lahad niya.

Sa “That Kind of Love”, ginagampanan ni Barbie ang papel ni Milagros Maharlika, isang dating coach at psychologist na naatasang tulungan si Adam o Mr. Perfect (David), CEO ng isang shipping company, na hanapin ang babaeng magpapaibig sa kanya.

Pero, ano ang mangyayari kung siya mismo ang ma-in lab kay Adam?

Ang nasabing obra ni Direk Catherine ‘CC’ O. Camarillo na mula sa iskrip ni Ellis Catrina ay naging Spotlight Entry at Awardee sa ginanap na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan. Archie Liao