Home ENTERTAINMENT Barbie, pinangalandakang takot sa kanya si David!

Barbie, pinangalandakang takot sa kanya si David!

Manila, Philippines- Kumasa sa Fast Talk challenge si Barbie Forteza sa programa ni Boy Abunda.

Ni-rate niya ang kanyang love team partner na si David Licauco.

From a scale of 1 to 10, 11 ang ibinigay niyang score sa pagiging mabango ng chinito actor.

12 naman ang score niya sa pagiging sweet nito.

11 naman ang assessment niya sa pagiging mayaman nito.

Sey pa niya, nahihiya raw si David kapag kinu-compliment niya.

Dagdag pa niya, takot din daw sa kanya ang Pambansang Ginoo.

Hirit pa niya, mas kuripot daw naman siya kay David.

Ibinuking din niya na mas matigas ang ulo ng ka-love team at mas matagal mag-reply kapag tini-text o tinatawagan kumpara sa kanya.

Sa naturang tsikahan, naikuwento rin ng Kapuso actress ang kanyang puspusang paghahanda sa period series na “Pulang Lupa” kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang vaudeville dancer.

Uma-attend daw siya ng three-hour dance lessons para ma-perfect ang kanyang tap dancing. Archie Liao

Previous articleAplikasyon para sa farm internship sa Taiwan bubuksan sa Hunyo
Next articleNPA todas sa engkwentro sa militar