Barbra Streisand, ni-revive ang “You’ll Never Walk Alone” na inawit n’ya sa Emmy Awards pagkatapos ng 9/11

Barbra Streisand, ni-revive ang “You’ll Never Walk Alone” na inawit n’ya sa Emmy Awards pagkatapos ng 9/11

May 15, 2020 @ 3:06 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Madalas na mapakinggan uli ngayon sa Amerika ang bersyon ni Barbra Streisand ng lumang-luma nang kantang “You’ll Never Walk Alone” na nung 1945 pa unang sumikat. Paborito uli ito sa Estados Unidos dahil bagay ito sa krisis na pinagdaraanan ng buong mundo ngayon: ang pananalasa ng virus na Covid-19.

Bagama’t isinaplaka ni Barbra ang nasabing awitin buhat sa Broadway musical nina Rodgers at Hammerstein na “The Carousel,” nung 1997, ang bersyon n’ya ng nasabing awitin nung 2001 ang siyang pinapatugtog sa mga music website ngayon–pero may bago na itong music video na nung nakaraang linggo lang inilubsad.

Ang 2001 version ay inawit n’ya nang live sa Emmy Awards nung Nobyembre, dalawang buwan pagkatapos ng ka gimbal-gimbal na pagpapasabog sa World Trade Center nung September 11.

Mensahe ni Barbra sa unahan ng bagong music video: “I sang this song almost 20 years ago after 9/11. Today we face another crisis, but I think the words still apply. With love and gratitude, Barbra.”

Ang bagong video ay nagtatampok ng mga larawan ng frontliners sa Estados Unidos na ang mga mukha ay may malalalim na mga marka ng N-95 surgical mask na lagi nilang suot habang nagtatrabaho sa, ospital. Halos depormado na ang mga mukha nila sa tagal na paggamit nila ng mask araw-araw sa loob ng mahahabag oras.

Kasali rin sa bagong music video ang mga larawan ng UPS drivers, grocery store cashiers, at iba pang mga tao na binansagang “essential workers.”

Hindi para sa frontline health workers lang ihinahandog ang bagong music video kundi sa mas malawak na kategoryang “essential workers.”

Pitumpo at walong taong gulang na pala ngayon si Barbra at maaaring di na siya nang nakakakanta nang kasing taginting na gaya nang dati. Sa bagong released na music video, mga tatlong linya lang ng kanta ang ini-record n’ya. Pagkatapos nu’n ay ang audio na ng pagkanta n’ya nung 2001 ang idinugtong.

Ang video ay nagtatapos sa mga nakasinding kandila na nagbibigay liwanag sa website address at phone number ng DirectRelief, isang nonprofit organization na may relief operations sa buong Estados Unidos para sa mga lubhang apektado ng COVID-19 at kwarantina. SHOWBYTES| Danny Vibas

Share

Leave a Reply

Loading...