Home METRO Baril inagaw, prison guard patay sa preso

Baril inagaw, prison guard patay sa preso

349
0

MANILA, Philippines – Dead-on-arrival ang isang prison jail guard matapos na pagbabarilin ng isang person deprived of liberty na umano’y nang-agaw ng baril sa Laguna Provincial Jail Barangay Poblacion 1 sa Santa Cruz, Laguna.

Napatay din naman ang suspek na preso na kinilalang si Romnick Balbaran Estadilla, 32, na residente ng barangay Ibabang San Roque Liliw, Laguna.

Habang kinilala ang biktimang prison guard na si Jonathan Sombilla Buenviaje 50, at naninirahan sa Barangay Maulawin Pagsanjan, Laguna.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Santa Cruz Police Station dakong alas- 9:00 ng umaga habang ang biktima na kasalukuyang nag-iikot sa Dorm # 1 ng nasabing bilangguan ay inagaw umano ni Estadilla ang service firearms ni Buenviaje saka pinagbabaril na ito.

Nagawa namang barilin ng ibang naka-duty na jail guard ang suspek na humantong din sa kanyang pagkakasawi. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. Ellen Apostol

Previous articleP1.4-B budget sa byahe ni PBBM sa 2024 dinepensahan ng DBM
Next articleP6.1-B tax evasion case isinampa vs 214 corporate officers

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here