Home HOME BANNER STORY Baril ng mga pulis ‘di seselyuhan sa Kapaskuhan

Baril ng mga pulis ‘di seselyuhan sa Kapaskuhan

MANILA, Philippines- Hindi seselyuhan ng Philippine National Police ang baril ng mga tauhan nito ngayong holiday season, ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo nitong Miyerkules.

“Hindi na po natin ite-tape ang mga baril ng mga pulis,” ani Fajardo sa isang press briefing.

“We will leave it to field commanders and regional directors to make sure na mai-remind with stern warning ang sinumang pulis na gagamit ng baril in any form of revelry ay may kahaharaping mabigat na kaso at baka matanggal sa serbisyo,” aniya pa.

Binanggit ni Fajardo na untoward incident mula noong 2022 nang hindi selyuhan ng PNP ang baril ng mga pulis.

“Nagsimula na tayong magmonitor ngayong taon (ng cases) pero so far wala pa po tayong narereceive,” ayon sa opisyal. RNT/SA

Previous articlePNP walang na-monitor na banta sa pagdiriwang ng Pasko
Next articleTsina lang naniniwala sa ‘pagpapasimuno’ ng gulo ng Pinas sa WPS – DND chief