Home NATIONWIDE Barko na gagamitin sa Maritime exercise sumadsad

Barko na gagamitin sa Maritime exercise sumadsad

223
0

MANILA, Philippines – Sumadsad malapit sa pampang ang isang barko sa bahagi ng karagatan ng Sitio Crossing, Barangay Poblacion, Morong, Bataan nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 14.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), inihayag ng tatlong crew na ang MT Lake Caliraya na isang motor tanker ay walang dalang langis at sumadsad dahil sa lakas ng alon habang hinihila patungong Subic, Zambales.

Sa ngayon, sinabi ng PCG na kasalukuyan nagsasagawa ng rescue operation at imbestigasyon ang PCG Station Bataan.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang PCG sa tugboat-in-charge para sa agarang paghatak sa barko mula sa pagkakasadsad sa nasabing baybayin.

Gayundin, nakikipag-ugnayan na ang PCG sa iba pang concerned government agencies at units.

Sinasabing palulubugin sana ang naturang barko ng US at Philippine marines bilang bahagi ng kanilang maritime exercise. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBea, nag-throwback sa naputol na dila!
Next articleMPD bumuo ng special investigation panel vs 5 pulis na sangkot sa robbery extortion

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here