Home HOME BANNER STORY Barko ng Pilipinas, ginitgit na naman ng China Coast Guard!

Barko ng Pilipinas, ginitgit na naman ng China Coast Guard!

MANILA, Philippines – Muling nagsagawa ng mapanganib na maneuvers ang barko ng China Coast Guard (CCG) nitong Huwebes, Marso 21 at sinubukang harangin ang isang fishery vessel ng Pilipinas na sakay ang mga marine scientist na nagsasagawa ng pananaliksik sa West Philippine Sea (WPS).

Sa press briefing, sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea na ang CCG vessel 5204 ay humarang sa daraanan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na BRP Datu Sanday sa lapit na 100 metro.

Sinabi ni Tarriela na hindi bababa sa 13 Chinese maritime militia vessels ang nasa paligid sa panahon ng blocking maneuver.

Idinagdag niya na nakita rin sa lugar ang helicopter ng People’s Liberation Army.

Sinamahan ng barko ng PCG ang BRP Datu Sanday at BRP Pagbuaya na umalis sa Pag-asa Island bandang alas-10 ng umaga noong Huwebes.

Ayon kay Tarriela, ang CCG vessel 5204 ay nagpatunog ng sirena nang higit sa 30 minuto upang tawagin ang atensyon ng Chinese maritime militia vessels upang suportahan ang kanyang mga aksyon sa pagpigil sa mga sasakyang pandagat ng BFAR at mga marine scientist na nakasakay sa isang rigid hull inflatable boats.

Sa kabila ng mapanganib na maniobra ng CCG, matagumpay na nakarating sa sandbars ang barko ng PCG at mga Filipino mmarine scientist.

Nakapagsagawa ng apat na oras na extensive coral reef at fishery resources assessment ang mga ito.

Ipinunto ni Tarriela na ang mga askyon ng BFAR at PCG sa pagsasagawa ng marine scientific research sa WPS ay naaayon sa mga probisyon ng United Nations Covention on the Law of the Sea.

Sa parehong press briefing, sinabi ni Dr. Jonathan Anticamara, ang marine scientist na bahagi ng research team na natagpuan din nila ang mga tambak ng durog na bato sa Sandy Cay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleGun attack sa Russia inako ng Islamic State group
Next articleBagong silang na sanggol, itinapon sa tabing-dagat