Home NATIONWIDE BARMM govs: MILF decommissioning pag-usapan na sa cabinet meetings

BARMM govs: MILF decommissioning pag-usapan na sa cabinet meetings

218
0

MANILA, Philippines – NAGKAISA ang mga gobernador ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) na hikayatin ang gobyerno na pag-usapan ang peace and order situation sa lugar at maging ang “full decommissioning” ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Cabinet meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito’y bunsod na rin ng pagkatakot na magkaroon ng potensiyal na kaguluhan sa gitna ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections lalo pa’t kung hindi mapapangasiwaan ng maayos ng Department of National Defense (DND) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang decommissioning process.

“Tinatawag natin ang pansin sa pangunguna ni DND Secretary Gilbert Teodoro Jr. at DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na dalhin sa attention ng Cabinet, na mapag-usapan sa cabinet meeting maski kahit ilang minuto lang, makarating sa mahal na Presidente, ang problema sa peace and order na hindi epektibo ang decommissioning,” ayon kay BARMM Governor’s Caucus (BGC) spokesperson at Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr. sa isang kalatas.

“I-review sana at revisit ang decommissioning process para mabigyan ng solusyon ang problemang kinahaharap nito,” dagdag na wika ni Adiong.

Ani Adiong, ang decommissioning ng “weapons at base command” ng MILF ay dapat na kompleto na bago pa ang halalan, dahil aniya “it is not possible to have an election with armed groups on the ground.”

“This means that the armed members of the MILF should become law-abiding citizens. Their firearms should be turned over to an independent decommissioning body so they won’t be used, and the MILF camps and base commands should be dismantled. That’s what will facilitate the decommissioning. The five governors also want to help with this decommissioning,” aniya pa rin.

Samantala, sa ilalim ng decommissioning roadmap, 40,000 MILF combantants ang kailangan na sumailalim sa decommissioning.

Previous articleTennis star Osaka nagsilang ng sanggol na babae
Next article‘We want Sotto’: sigaw ng tagahanga sa Vegas sa pagkatalo ng Magic sa Summer League

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here