Home ENTERTAINMENT Baron, aminadong takot sa misis!

Baron, aminadong takot sa misis!

Manila, Philippines – Sa interview ni Bernadette Sembrano kay Baron Geisler sa kanyang vlog, nagbalik-tanaw ang aktor sa mga pagsubok na pinagdaanan niya sa buhay.

Aniya, labis daw niyang dinamdam noon ang pagkamatay ng kanyang ina.

Ilang beses din daw siyang nagtangka noon sa kanyang buhay subalit sa kung anong kadahilanan ay hindi ito nagtatagumpay.

Na-realize daw pala niya na may greater purpose at mission pa siya sa buhay.

At a young age, aminado siyang spoiled siya sa showbiz.

Katunayan, lumaki raw ang ulo niya noon dahil sa konting kasikatang natamo.

Para raw kasi sa kanya noon, hindi trabaho ang turing niya sa kanyang ginagawa.

Twelve years old pa lang daw siya ay nag-iinom na siya at sa edad na katorse ay nagdo-droga na siya.

Ito rin daw ang dahilan kaya naging magulo ang takbo ng kanyang utak at buhay.

Bilang bunso sa pamilya, kapag nasasangkot daw siya sa gulo ay inuutusan ng kanyang ina ang mga kapatid na linisin ang kanyang kalat.

Aminado rin siyang labas-pasok siya sa rehab center noon dahil sa kanyang alcohol at drug addiction.

Katunayan, siyam na beses daw siyang na-rehab noon.

Sa rehab din daw niya nakilala ang kanyang wife na si Jamie Evangelista, isang clinical psychologist na matiyagang inakay siya sa tamang landas.

Nagkaroon din daw ng direksyon ang kanyang buhay nang magkaroon siya ng sariling pamilya at anak.

Bagama’t ilang taon na rin siyang clean and sober, patuloy pa rin daw ang kanyang struggles na huwag mag-relapse sa kanyang mga dating bisyo.

Inamin naman niyang sa dami ng alak at drogang tinira niya ay nagkaroon siya ng bipolar tendencies.

Hindi rin niya ikinaila na takot siya sa kanyang misis.

Gayunpaman, iyong takot daw na iyon ay nagmumula sa respeto sa kanyang kabiyak.

Kung babalik daw kasi siya sa bisyo ay hindi ito mag-aatubiling ipadampot siya para ipa-rehab. Archie Liao

Previous articleJoshua, ‘red flag’ daw sa chicks; Ogie, to-the-rescue!
Next articleRicardo, suportado ni Gardo!